Ang
Reproductive Health Bill or RH Bill ay iminungkahing batas na gustong ipatupad
sa Filipinas upang mabigyang kaalaman ang mga mamamayan sa mga pamamaraan ng
pagbubuntis, pagpapalaglag, sekswal na edukasyon, paggamit ng kontraseptib at
maternal na pagaalaga. Lubos nitong hinahati ang opinyon at pahayag ng iba’t
ibang sektor sa Filipinas tulad ng mga paaralan, simbahan, at gobyerno. Ilan sa mga guro, eksperto at politiko ang
sumasang-ayon sa pagpapatupad nito dahil sa taas ng populasyon dito sa ating
bansa na nagdudulot ng kahirapan. Hindi
naman sumasang-ayon ang ilan tulad ng mga pari, obispo at ipa bang mga
konserbatibong grupo. Ngunit para sa akin, nararapat lamang na ipatupad na ang RH Bill sa panahon ngayon dahil sa napakaraming magandang maidudulot nito kumpara sa mga iilan lamang na negatibo.
Panahon na para sa pagbabago at sa aking palagay ay bukas na ang isip ng mga Filipino tungkol sa pagpapatupad ng RH Bill dahil sa mga sumusunod na
kadahilanan. Una na dito ang maprotektahan at mapahalagahan ang buhay ng mga
ina. Marami ang bilang ng mga namamatay na ina dahil hindi sapat ang binibigay
na pangagalaga dahil sa kakulangan ng ospital at gamit pagpapaanak kaya naman
ang solusyon talaga dito ay family planning na kabilang sa RH Bill. Ikalawa,
hindi lamang ang pagliligtas sa mga ina kundi pati na rin sa mga sanggol. Sa
ngayon, ayon sa World Health Organization ay pataas ng pataas ang bilang ng mga
sanggol edad dalawa pababa ang namamatay. Ikatlo, nararapat lamang na bigyan ng
tamang impormasyon ang lahat tungkol sa edukasyong sekswal lalo na ang mga
kabataan dahil ang kabukasan rin ng mga kabataan ang nakasalalay dito.
Karamihan
sa mga dalaga at binata ngayon ang nadadala ng kyuryosidad kaya natutuksong
gawin ang hindi dapat at mapipigilan ito kung bibigyan sila ng sapat na
kaalaman sa mga usaping sex at paggawa ng pamilya sa tamang edad at panahon
upang maiwasan ang maagang pagbubuntis. Bukod sa mga naunang nabanggit ay, maiiwasan pa
ang paglaganap ng mga nakakahawang sakit tulad ng AIDS o STD.
Ang
mga kagandahang epekto ng pagpapatupad ng RH Bill ay hindi lamang mararamdaman
ng isang indibidwal ngunit mapapakinabangan ng lahat ng naninirahan dito sa
ating bansa. Mula sa pagkakaroon ng sapat na kita at limitadong populasyon ay
tataas ang ating ekonomiya, bibilis ang pagasenso at madadama ang progreso sa
lalong madaling panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento